Filipino Poems

 

TATAG AT LAKAS NG PILIPINO

ni: JEANNE CHRISTINE M. FLORES


Ang ama ng ating wikang pambansa
Na si dating Pangulong Manuel Quezon
Ay minsan nang nangarap at nagnasa
Na maging matibay ang ating wika.

Nais niyang pahalagahan ang wika
Dahil ito’y kaluluwa ng ating bayan
At nagbubuklod ng puso at diwa
Ng mga tao dito sa’ting bansa.

Gamiting lagi ang wika ng lahi
Upang tayo ay magiging maunlad
Tayo’y hindi na malulupig muli
Kung mangyaring banyaga’y mabighani

Kaya huwag biguin si Pangulong Quezon
Patunayan mong ika’y Pilipino
Patibayin ng mahabang panahon
Ang wikang pinagkaloob ng Poon.

Ilagay sa iyong isipa’t puso
Na kahit saan mang dako ng mundo
Ang gamitin ay wikang Filipino
Sapagkat iya’y tatag at lakas mo.



2012-2013 (BUWAN NG WIKA)

_TATAG NG WIKANG FILIPINO         
                LAKAS NG PAGKA-PILIPINO_

 


PUTAK NG MANOK

 Masakit sa tainga

Nakakabingi at nakakairita

Pero wala akong magawa

Kaya ako nalang ay napaluha

 

Ako ya nagpahangin

At nag isip ng malalim

Kung ano ang gagawin

Upang maiwasan ang mga hinanaing

 

Sumapit ang umaga

At naintindihan ko na

Na lahat ng iyon ay para sa akin pala

 

Ang lahat ng iyon ay 'di parusa

Iyon ay tanda ng pagmamahal at pag- aaruga

Mga pangaral na aking babaunin tuwina

Mga pangaral, galing kina Mama't Papa.

 

 

Karagdagang Tula:

Nagsasalitang Inidoro

 

Tumungo ako sa banyo

Inilabas ang sama ng loob ko

Nagulat ako, tumayo ang balahibo

Nang kinausap ako ng inidoro. XD